by: Jenny Mae S. Saldaña

Ang akda ni Jose Rizal na pinamagatang " El Filibusterismo" ay sumasalamin sa pagmamalabis na ginawa ng mga prayle sa mangmang at walang alam na mga Pilipino. Ginamit nila ang kanilang mga kapangyarihan upang mapasailalim at mapasunod nila ang mga Pilipino sa kanilang mga kagustuhan. At dahil sa takot na naramdaman ng mga Indiyo ay hindi sila gumawa at nag-isip ng paraan upang mapalaya sa anino ng kalupitan ng mga kastila. Ang aking saloobin tungkol sa nobela ay galit, habag at pagkamangha. Galit, para sa mga prayle na lumapastangan sa dignidad ng mga kababaihan, at tumapak sa prinsipyo ng bawat Pilipino. Habag, para sa mga taong mas pinili na mahalin ang kultura ng mga dayuhang kastila at nagtakwil sa sariling bayan. Pagkamangha, para sa mga taong nagbuwis ng buhay para sa bayan. Nabigyang buhay ng mga tauhan lalung-lao na ang mag-aalahas na si Simuon, Basilio, mag-aaral na si Placido Penitente, tulisan na si Kabesang Tales at marami pang iba ang maalab na kwento ng "Paghahari ng Kasakiman".

"Ang Ama"

Magkahalo lagi ang takot at pananabik ng mga bata kapag hinihintay nila ang kanilang ama. Ang takot ay alaalang isang suntokna nagpapamaga at nagpapatulo ng dugo sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsay iniuuwi ng kanilang ama- malaking supot ng pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang pansit ay para lang talaga sa kanilang ama ngunit dahil marami ito, may pinaghahatian na lang din pati ng kanyang mga anak.


Anim lahat ang mga bata. Ang 2 pinakamatanda ay lalaki (12 anyos) at babae ( 11 anyos). May kambal na pawang mga lalaki (9 anyos), maliit na babae (8 anyos) at isang paslit pa (2 anyos).

Natatandaan niula ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng kanilang ama dahjil nagdala ito ng pansit na pinagsaluhan nilang lahat. Ngunit hindi na naulit pa ang pangyayaring iyon dahil kapag umuuwi ng lasing ang kanilang ama, pasigaw-sigaw, at padabug-dabog, ay siguradong walang pagkain at sila ay magsisiksikan dahil sa takot. Madalas na masapok ang kanilang ina at ang mga mata at pisngi nito ay mamamaga kung kaya naman nhindi ito nakakalabada sa malaking bahay.

May mga pagkakataon naman na ilalayo ng mga bata si Mui Mui dahil bukod sa ito ay sakitin, ito rinay palahalinghing na madalas kainisan ng kanilang ama. Mahaba at matinis iyon at tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupop sa bangko sa isang sulok ng bahay o namamaluktot ng paghiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di makatulog.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa trabahoat si Mui Mui ay nasa gitna ang mahabang halinghing at di mapatahan ng kanyang mga kapatid. Nang walang anu-ano ay tumama ang kamao ng ama sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kwarti kung saan ito nanatiling walamng kagal;aw-galaw.

Pagkaraan ng 2 araw ay namatay si Mui Mui at tanging ang ina lang nito ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon at ang ama ay nagmumukmok na nakaupo sa buong araw. Ang balitang tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay nakarating sa kanyang amo at dahilsa kagandahang loob ay pinabalik siya sa trabaho at nagbigay ng tulong na salapi.

Ngayo'y naging napakalawak ng kanyang awa sa sarili bilang isang malupit nqa inulilang ama at madalamhati siyang nagtatawag, "kaawa-awang Mui Mui, kaawa-awa kong anak."

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Naisip niya na magiging mabuti siyang ama. Matibay ang pasya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata at nagtataka sila kung saan siya pupunta. Nang nakita nilang papunta ito sa bayan ay nalungkot sila dahil akala nila na iinom \na naman ito ng alak.

Pagkatapos ng isang oras, ay bumalik ang kanilang ama dala ang isang malaking supot na may maliit na supot sa loob. Nagatlo ang mga bata kung ano ba talaga ang laman ng supot. Di nagtagal ay lumabas ito, nakabihis at lumabas ng bahay. Sinundan nila ito at nakita nila na pumunta ito sa libingan sa tabing-gulod. Lumakjad ito at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahangf inilapag sa puntod, habangpahikbing nagsalita, "pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kudi ang mga ito. sana'y tanggapin mo. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak. Madilim na ang ang langit ng umalis ito. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Pinagsaluhan nila ang dala ng kanilang ama na tulad ng isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli."

Blogger Template by Blogcrowds